|
|
| iGMA: Rhian Ramos compares Dingdong, Richard![]() Author: Jason John S. Lim Isa sa mga haligi ng GMA Telebabad ang laging nakakatambal ni Rhian Ramos sa kanyang mga television projects. Kaya naman sa kanyang first project with another one of GMA's bankable prime time star, hindi maiiwasang ipakumpara sa kanya ang kanyang mga leading men. Captain Barbell, Lupin, Codename: Asero at Zorro--ilan lamang ito sa mga prime time hits ng GMA-7 kung saan magkasama sina Rhian Ramos at Richard Gutierrez. Kaya sa unang pagpapares nina Rhian at Dingdong Dantes sa Stairway to Heaven, marami ang nagtanong sa dalaga sa kanyang experience na makatrabaho ang two bankable leading men ng GMA 7. "Pareho silang maalalay," said Rhian. "Pero in a different sense." Kuwento ng young actress, iba ang working relationship nila ni Richard. Especially since ito na ang kasama niya nang nagsisimula pa lamang siya sa show business. Samantala, sa Stairway to Heaven niya first time makaka-trabaho si Dingdong. Pero hindi maiwasan ng dalaga na ma-impress sa kanyang Stairway to Heaven leading man. "'Pag narining na 'yung 'action!' [sa set], hindi mo na makikita si Dingdong." Rhian shared. Rhian noted na magkaiba talaga ang atake nina Dingdong at Richard sa kanilang pag-arte. She says Richard has a way of giving all his roles that distinct Gutierrez style. Pero bawi niya, "'yung project [Stairway to Heaven], may requirement to lose yourself." Masasabing isa sa mga main differences with working with Dingdong and Richard is that hindi nako-compare si Rhian sa mga previous leading ladies ni Richard. Pero, Rhian refused na ikumpara ang partnership nila ni Dingdong with the love team of Dingdong and Marian Rivera. "It's hard to say, bilang love team sila [at] kami hindi," Rhian said nang tanungin kung sa tingin ba niya ay kayang lampasan ng Dingdong-Rhian ang kasikatang tinamo ng Dingdong-Marian. At kung bakit partnership ang tawag niya sa team-up nila ni Dingdong, Rhian replied it's because what she and Dingdong has is purely professional. Stairway to Heaven airs weeknights pagkatapos ng Darna at bago magsimula ang Rosalinda, sa GMA-7. Source: GMANews |