|
|
| “HINDI AKO BUNTIS! HINDI AKO TANGA! -- MARIAN RIVERAAuthor: Dondon Sermino LAST Sunday sa The Buzz ng ABS-CBN 2, sa interview ni Boy Abunda kay Karylle, huling tanong kay Karylle, kung buntis ba si Marian Rivera, at si Dingdong Dantes ang ama. Pero, bago pa itanong ni Kuya Boy `yon kay Karylle, nagsabi na agad si Kuya Boy, na alam niyang hindi dapat si Karylle ang tinatanong tungkol doon, pero ganun pa man, itinanong na rin 'yon. Sa tanong na `yon ni Kuya Boy, isang ngiti lang ang sagot ni Karylle. Walang salita na lumabas mula sa kanyang bibig. At doon na natapos ang interbyuhan nina Kuya Boy at Karylle. Kahapon sa presscon ng Desperadas 2, bago matapos ang open forum, binigyan ng pagkakataon si Marian na magsalita tungkol sa intrigang buntis siya, at sa ginawang pagngiti ni Karylle sa katanungan na `yon tungkol sa kanya. “Hindi ako buntis! Sa dami ng blessings na dumarating sa akin ngayon, hindi ko gagawin `yon! “Hindi ako bata! Hindi ako tanga para gawin `yon!” sunud-sunod na sabi ni Marian. Halatang hindi nagustuhan ni Marian ang ginawang pagngiti lang ni Karylle tungkol sa tanong ni Kuya Boy kung buntis ba si Marian. “Kung ako ang tatanungin tungkol sa ibang tao, kung buntis ba o hindi, sasagot ako na hindi ko alam. Puwede namang sabihin na hindi niya alam. “Na-offend ako sa ginawa niya. Nasaktan ako! “'Yung mga malalapit sa buhay ko, nagsipagtawagan silang lahat sa akin. Tinanong nila ako tungkol doon. “Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksiyon niya? Kung bakit ngumiti lang siya. “Sabi ng mga kaibigan ko, may malisya `yung pagngiti niya. Kung hindi niya alam ang sagot, sana sinabi niyang hindi niya alam, o wala siyang alam. O sumagot na lang siya na wala siya sa posisyon para sagutin `yon. “Na-offend ako! Nasaktan ako! “Kung masaya sila na nakasakit sila ng tao, bahala na ang Diyos sa kanila! “Kung mabubuntis ako, let's say, 3 years or 5-years from now, sasabihin ko. Ako mismo ang magsasabi na buntis ako! Hindi lang ako ngingiti! “Kung magkaka-boyfriend ako, aaminin ko sa lahat. Magiging proud ako!” mahabang litaniya ni Marian. Habang nagsasalita si Marian tungkol sa pagngiti ni Karylle, at sa usaping buntis siya, kitang-kita namin ang reaksyon ng ibang Desperadas 2 girls. Si Rufa Mae Quinto ay awang-awa kay Marian, ganun din si Iza Calzado, at kitang-kita naman namin ang maluha-luhang mga mata ni Ruffa Gutierrez, dahil kay Marian. Well, siguradong hahaba pa ang 'away' na ito sa pagitan nina Marian at Karylle. Siguradong pipilitin ng mga manunulat at TV crew ng mga talkshows si Karylle na magsalita sa mga sinabi ni Marian. At sigurado ako, maglalabas ng kanya-kanyang kuwento ang bawat kampo. Kung hindi man ang mga artistang involved mismo ang magkukuwento, ang mga tao sa paligid nila ang maglalabas ng iba't ibang tsika. Hay naku, habang papalapit ang Pasko, parang lalong umiinit ang panahon sa showbiz, dahil sa iba't ibang eksena ng mga artista sa presscon. Sino kaya ang susunod sa eksena? Abangan! Source: Abante |