|
|
| “Hindi ko aagawin si Gerald kay Kim!” -- Sarah Salamat sa pagmamahal...![]() Author: Dondon Sermino PUNO na ang schedule ni Sarah Geronimo ngayong 2009, kaya malabo na ngang maisingit ang paggawa niya ng pelikula kasama si Judy Ann Santos, at pati na rin `yung pelikula na pagsasamahan naman nila ni Gerald Anderson. “Pero, ang pagkakaalam ko talaga ang mauuna kong gawin ay 'yung movie with Ms. Judy Ann Santos. 'Yung with Gerald, mukhang malabo pa po yata `yon,” sabi ni Sarah. Pero, kahit mukhang malabo pang matuloy ang movie na `yon nila ni Gerald, ngayon pa lang ay nakakatanggap na ang kampo ni Sarah ng pagtutol mula sa mga fans nina Gerald at Kim Chiu. Sabi, ayaw na ayaw raw ng Kimerald na gumawa ng pelikula si Gerald kay Sarah? “Ako nga rin, fan talaga ako ng Kimerald, eh. Tingnan na lang po natin.” Eh, kung ayaw talaga ng Kimerald? “Aahhh! Hayan na naman `yung mga ganiyan, eh. Basta, ano lang po, it will happen kung talagang meant to be. Pero, kung hindi, okey lang. “'Yung sa amin nga ni John Lloyd (Cruz), medyo natagalan din `yon bago nangyari. Pero, nakita niyo naman po, dalawang pelikula na ang nagawa namin.” So, kahit may tumututol, kung ibibigay talaga sa kanya ng project with Gerald, tatanggapin niya? “Okey lang naman po. Trabaho lang naman po `yon. Kung ano ang gugustuhin ng mga tao na makita. Kung hindi naman, 'di hindi.” Nangangamba raw ang mga Kimerald na maagaw mo si Gerald kay Kim? “Oo nga, may ganu`n! Ha! Ha! Ha! Ha! “Hindi ko naman po aagawin si Gerald kay Kim! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ni Sarah. Oo nga naman, wala namang record na mang-aahas si Sarah. At wala pa nga siyang nagiging boyfriend, `no! Hindi naman kasalanan ni Sarah kung bigyan siya ng project na kasama ang ibang artista. Anyway, tutok ang atensyon ngayon ni Sarah sa Record Breaker concert na gagawin niya sa Araneta coliseum sa November 07, 2009. Sabi ni Sarah, maraming bagong kanta siyang gagawin, na siguradong mag-i-enjoy ang kanyang mga fans. Maraming-maraming salamat sa mga regalo/pagmamahal mula kina Tita Lolit Solis, Malou Choa-Fagar, TAPE, Inc., Mr. Tony Tuviera, Mother Lily Monteverde, Kuya Boy Abunda, Tita Donna Villa at direk Carlo J. Caparas, Annabelle Rama, Sen. Jinggoy Estrada, Jacky Woo, Popoy Caritativo (Marian Rivera at Dennis Trillo), Paolo Contis, Ricky Davao, Justin de Leon. Mayor Toby Tiangco, Jobert Sucaldito, Pola Punla, direk Maryo J. delos Reyes, direk Manny Valera, direk Dante Mendoza, Joel Cruz, Viva Films, Bernard Cloma, Butch Rivero, Boy Villasanta, Venson dela Rosa Ang, Ruval Magpayo, Jingky Ilusorio. Raquel Hizon, Bert Manalo, Ronnie Liang at George Roca, Pilar Mateo, Ruel Mendoza. At siyempre, sobrang salamat kina Gorgy Rula at Joe Barrameda. Kung may mga nakalimutan po ako, pasensya na... Source: Abante |