|
|
| “Hindi na ako magpapagamit ngayong 2009!” -- Rufa Mae![]() Author: Ruel Mendoza Ngiti ang isinalubong ni Rufa Mae Quinto sa pagpasok ng 2009. Kesa naman daw iyakan niya nang iyakan ang mga nangyari sa kanya sa huling part ng 2008, lalabanan na lang daw niya ito ng ngiti at halakhak. Ibang-ibang Rufa Mae nga ang nakapanayam namin kamakailan dahil wala na ang bakas ng kanyang lungkot na nakita noong huli siyang nagsalita sa Showbiz Central. Sabi ni Rufa Mae, tama na raw ang lungkot at luha. Maging happy na lang daw ang lahat sa bagong taon na ito. “Naku, ayokong sirain ang pagpasok ng taon dahil sa mga taong hindi ko naman close, 'di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa niya. “Hindi bale sana kung nakikinabang ako sa kanila. Eh hindi naman. Pasasamain lang nila ang loob ko. “Kaya ako, happy na lang! Laugh na lang tayo nang laugh! New Year na, kaya itodo na natin ang saya! Ha! Ha! Ha! Ha! “Naisip ko rin na mas maraming blessings akong natanggap kesa sa mga negative na mga bagay. Kumita lahat ang mga movies na ginawa ko (Manay Po 2, Desperadas 2); top-rating ang mga shows na kinabilangan ko (Dyesebel, Showbiz Central, Bubble Gang) at nanalo pa ako ng award. “This year, makakasama ako sa bagong GMA primetime show na Zorro, na kung saan bida si Richard Gutierrez. Tapos may movie pa akong ipapalabas this January na Single under Viva Films. “Kaya ang saya, 'di ba? Sabi nga nila, count your blessings. 'Yun nga ang ginawa ko kaya gumaan ang loob ko. “Kaya kung anuman bad things na nangyari sa akin last year, tama na 'yon. Bahala sila na mang-intriga, basta ako maganda ang nakikita kong mangyayari sa akin ngayong 2009. “Isa pang kinatutuwa ko kasi ay magkakasama kami ngayon ng family ko sa iisang bahay. 'Yung bonding naming lahat, buung-buo na kasi nga sila ang naging kakampi ko sa mga pinagdaanan kong lungkot. At sa ipapatayo kong new house, magkakasama ulit kami para solid kami as a family.” Sa personal na buhay ni Rufa Mae, tama na raw 'yung wala muna siyang commitment. Okey lang daw ang makipag-date siya pero no serious na relasyon muna. Napagod daw kasi siya sa huling serious relationship niya kay Bobby Lopez. “Sana mapanindigan ko ang maging single hanggang sa kalagitnaan ng 2009 di ba? Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi pa niya. “Teka, mahirap pala ang mangako! Ha! Ha! Ha! Ha! “Ngayon kasi, talagang wala akong jowa. As in single ako! “But I'm dating some friends. Kung sino ang mga iyon, huwag na lang natin i-mention. Mas maganda 'yung may mystery, di ba? “Pero kinlaro ko naman na walang commitment. Enjoy lang kami sa company ng isa't isa. Gusto ko munang mag-enjoy sa dating. At saka na ang serious-serious kapag okey na ang lahat at nakapagpahinga na ang puso ko. “Gusto ko lang naman ay maging happy at heto na nga iyon. Nagsisimula na at sana wala nang magtangka na gamitin ako, 'di ba? Ha! Ha! Ha! Ha! “Ang lesson ay kung hindi ka close sa akin, huwag na huwag mo akong gamitin, 'di ba? Bad iyon 'no! “Hindi na ako papayag na magamit pa ako! Pagod na ako sa pagpapagamit sa ibang tao na hindi ko ka-close. “Kaya let's all be happy na lang, 'di ba?” sabi na lang ni Rufa Mae. Source: Abante |