|
|
| “Huwag ako ang hamunin! Huwag ako ang galitin!” HAPPY BIRTHDAY, ATE VI!![]() Author: Alfie Lorenzo UHUMMMM, happy birthday, Ate Vi? Buhhkkeett? Ang taas ng kilay ng mga kapuwa ko Noranians ah, Albert Sunga! Nakaismid naman ang ibang mga Batanguenos, oh! Ang dami nilang emails at text messages pero huwag na lang nating ilabas dito ngayon at baka lalong maging happy at maingay ang birthday ng idolo ng mga bayarang (at nabibiling) mga reporters na siguradong titiisin ang mahabang biyahe patungong Lipa, Batangas para lang manalo ng isang envelope, noh! Ha! Ha! Ha! Ha! Mas mahaba pa kaya ang pila kesa mga nagpuntahan sa sementeryo kahapon? Ha! Ha! Ha! Ha! Pramis, walang uuwing luhaan! Kaarawan daw ngayon ng nag-iisang aktres at kaibigan sa lahat ng panahon! Anong panahon? Heto ako at napapanahon pa rin, isa na lang sa dalawang (si Mercy Lejarde ang natitirang rehistrado!) natitirang Vilmanian noon pa sa La Loma na panahon ng kahirapan ng anak nina Amado at Milagring tungo sa Arfel subdivision at Magallanes to Batangas! Kung ilarawan ang may kaarawan ng mga ngayon lang dumidikit sa madatung ng gobernadora (na 'di naman nakilala si Vilma nu'ng tin-edyer pa lang at nagbabandera ng long playing na “Sweet 16”) ay?mabuting tao (o pakitang-tao lang?), premyadong aktres (paano ba nagsimula ang awards ha, Ate Guy? Sayang at wala na si William Leary kaya “God smiled at her” kaya?), ulirang anak (agree ako diyan Milagring or Mommy Santos na pinalitan na ng mommy ni Juday ngayon na Mommy Carol Santos!) asawa at ina (Asawa? Not to Edu Manzano of course!) ulirang ina (Yes to Lucky kaya ang binata ay “Yes mom!” sa ina palagi. Kaya si Lucky ang ulirang anak, noh!),?at tapat na lingkod bayan? Yes, hindi raw nakaka-miss ng flag ceremony ang Ate Vi niyo tuwing Lunes ng umaga, but all throughout the week naman ay nami-miss naman daw ng mga Batanguenos - bakit naman kaya?). Hindi kami agree sa mga nagsisipsip kay Ate Vi na hindi raw pinagbabago ng panahon ito, nakalapat pa rin ang mga paa sa lupa. 'Yun ang pagkakilala niyo sa Vilma ngayon na napaplastik na ng pulitika, hindi ako agree, ako na sa pagsisimula pa lang ni “Trudis Liit” sa showbiz, eh nakatatak na sa utak kong hindi pa apektado ng anumang kalimot-epek how Ate Vi behaved noon kumpara sa ngayon. Hoyyy, sinong sumisigaw diyan ng “what are we in power for!” ha? Isusumbong ko kayo kay President Marcos, sige kayooo! Oo nga at nasa tore na ang pangalan ni Ate Vi, pero bakit 'di pa rin siya makuntento? Bakit until now nakikipagkumpetensya pa rin siya sa mga iniwan niya sa showbiz, hinde bah Ate Glo (Romero)? Kami rin eh kakapusin ng pahina 'pag inilagay ko sa timbangan ng kabutihan at kakapusan ang mga?achievements ng Ate Vi natin. Kahit tatlong libro pang pagkakakapal ay kukulangin 'pag ako na ang nagsalita, “not once, but twice!” huwag ako ang hamunin! Huwag ako ang galitin! Sadyang may pang-akit ang mga ngiti ni Ate Vi at binokayong mga salita. May magnetism na kaakibat ang mga pina-deep set eyes niya. Look. Sa GMA 7 nagsimula at nagtagal ang “VIP” niya (Vilma In Person lang 'yun, huh! Pero as the years went by, naging tunay na VIP ang Ate Vi ko!) and never nag-akyat ng salapi sa ABS-CBN si Vilma, pero kasama siya sa station ID next to Dolphy, una pa siya sa presidente na ngayon ng ABS-CBN na si Bb. Charo Santos-Concio na nakilala lang ng personal ni Vilma sa lumang “The Sensation”. Naging artista lang ni Charo si Vilma sa “Kapag Langit Ang Humatol”, eh bakit binigyan na siya ng Dos ng malaking upuan ng karangalan? Anong naihatid niya sa ABS-CBN na pinagsimulan nina “Mara at Clara”? tungo sa “Esperanza”? Eh, bakit hindi ang idol ng lahat na si Nora Aunor ang inilagay sa station ID, eh nagkaroon naman si Ate Guy ng teleserye sa Dos ah? Si Vilma, wala! Wala! Wala! Akala mo lang meron! Pero wala! Wala! Hindebah, Carlo Aquino? So unfair! Nag-iisang aktres sa lahat ng panahon si Vilma Santos? What happened to Nora Aunor, the one and only superstar of Philippine movies? Nalagpasan na ba ni Vilma ang box-office records ni Ate Guy? Nakapag-himala na ba si Vilma na nu'ng Martial Law ay bukod-tanging nag-iisang TV show ang “Superstar” ni Ate Guy? Ilang acting awards ba ang natamo ni Ate Guy awarded to her simply because “god smiled at her”? May nabalitaan man lang ba kayo na bumili ng award ang superstar? She doesn't care nga about awards na hounding her like a giant zombie. Eh, 'yung iba riyan na hindi makuntento at kahit na mas senior pa sa kanila, eh pilit na kinukumpetensya? Gosh! Abelgosh! Plakadong-plakado pa sa utak ko ang eksena sa New Frontier theater sa Araneta Center, Cubao nu'ng magtatakbo si Vilma palabas ng sinehan nu'ng matalo siya sa best actress award sa Quezon City Film Festival dahil si Ate Guy ang tinanghal na best actress, dahil ani Ate Guy, “and God smiled at me”. Doon na nga pumapel ang namayapa ng William Leary sa FAMAS awards na tinabla lang ni Vilma with Boots Anson Roa - still remember that mga newborn Vilmanians? Memoryado raw ni Vilma ang pangalan ng mga manunulat. Of course intercourse! Natural lang na tandaan niya ang mga pangalan ng mga reporters na kinakamayan niya for monitoring-epek kung sinulat ba siya o hinde. At kung sinulat man, pangit ba o super-ganda? 'Pag maganda, klap-klap? Eh kung pangit? Naku, pakibaba nga ng kilay! Ha! Ha! Ha! 'Yan ba ang sport lang? Ayaw namang tumanggap ng kapintasan o advice? At siyempre ang primary choice ay kung maraming kolum ang manunulat o kung single kolum lang dapat 'yung nasa broadsheet, hinde bah Ricky F. Lo? Sabi matalino si Vilma Santos. Eh, bakit hindi niya alam ang kasabihang, “make new friends, but keep the old ones”? (old ones means friends of long standing, hindi old in age lang!) Old friends who have been instrumental in your climb to stardom tungo sa pagyaman. Ang dapat bigyan ni Vilma ng house & lot ay 'yung hanggang ngayon ay nagsisilbi pa sa kanyang yaya niya at hindi 'yung nasa tabi niyang dating na kay Amalia Fuentes na bumaliktad ng magkaroon ng gulo about Romeo Vasquez, debah? 'Yang mga nakapaligid ngayon kay Vilma na tumatanggap ng barya-barya ay walang alam sa pinagmulan ni gobernadora - ngayon na lang sila sumisipsip kay Vilma dahil masabaw sa ngayon - eh papano kaya 'pag natuyuan na? Ha! Ha! Ha! Ha! Will they still be around her pag nagkaganoon? God forbid! Si Governor Vilma Santos daw ay nag-iisa lang na walang katulad sa pagbibigay-halaga sa mga taong kasalamuha sa lahat ng lebel. Mabuti na lang at hindi pinahintulot ng Diyos na matulad ako sa iba na umaasa lang ng grasya sa sinumang artistang sumikat at yumaman, artistang naupo sa powers, (at saksi diyan sina Pres. Cory, Erap at Ate Glo, Mayors Joey Marquez, Jinggoy Estrada, Lito Lapid, Bong Revilla, Jestoni Alarcon, George Estregan, Jr., Mikey Arroyo, Mark Lapid, Jam by Madrigal, atbp., na 'di namin binisita minsan man sa luklukan nila para maghintay na may iaabot. Ha! Ha! Ha! Ha!). May delikadesa naman kami over the rest of the mendicants. Kaibigan daw si Vilma Santos sa lahat ng panahon, hindi dahil sa may kailangan lang siya (Ows? Ows? At sampung ows, ows pa!), kapag nasa gilid ka ng bangin nandiyan lang siya para sumagip! Ows? Ouch! Buti pa nga si Sharon Cuneta na tinatawag ng iba na plastic, natikman namin ang sincerity at hindi kami iniwan nu'ng mga panahong we were alone at pilit na dina-down at dinidikdik at dinadapurak - bukod-tangi si Shawie sa nagpapalakas ng loob namin at nagsabing malalagpasan namin ang anumang pasubok - and she was more than right baby! After that New York sojourn ko last May, ang isang dalangin ko ngayon sa kaarawan ng babaing ibinoto ng mga Batanguenos, may your tribe not increase anymore, para wala nang iba pang tulad ko na matuksong tumulong sa mga gumagapang patungo sa kasikatan and when they're up there nagkaka-amnesya na. Magkakasama kami nina Vilma at nasirang Douglas Quijano na madalas magpaalala sa Vilma Santos na struggling starlet pa lang noon: “Stars come and go, but reporters stay” when a star is new, you're the one right. When they're up there, they're the ones right. But when they are down there, you have been right all the while pala!” And so, I rest my case. Happy birthday uli, Ate Vi. Sana next year meron pa! Amen. Source: Abante |