Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

“Kailangang mag-isip siya uli, kasi tarantado ako!” Warning ni Dingdong kay Rhian!

“Kailangang mag-isip siya uli, kasi tarantado ako!” Warning ni Dingdong kay Rhian!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

SI Rhian Ramos lang pala ang puwedeng maging daan para tuluyang makalimutan ng entertainment press na usisain si Dingdong Dantes tungkol sa ex-girlfriend nitong si Karylle.

Sa launching at autograph signing ng bookazine from YES Life Stories ng Summit, panay tungkol kay Rhian ang tinatanong kay Dingdong.

Inusisa nga ng mga manunulat kung sa tingin ba ni Dingdong ay seksi ang kapareha niya sa Stairway To Heaven.

“Her asset is how she carries herself. Lalo na 'pag naglalakad siya. And I believe na 'yung ganong klase ng aspeto ng pagdadala ng sarili mo ay may kaakibat na kaseksihan.

“Otherwise, walang dating! She carries herself very well lalo na when she walks, para siyang nag-ga-glide,” bungad na sambit ni Dingdong.

So, seksi ba sa tingin niya si Rhian?

“She's fine. She's okey,” paiwas na sagot ni Dingdong.

Well, posibleng nag-iingat si Dingdong sa pagku-comment tungkol kay Rhian, dahil ayaw niyang maihelera ito sa girlfriend niyang si Marian Rivera, o puwede ring sabihin na hindi pa siya kumbinsidong seksi talaga si Rhian?

Sunod na tanong kay Dingdong, posible ba siyang ma-in love kay Rhian?

“Mahirap akong ma-in love, kasi 'pag na-in love ako, todo. Kaya ayoko munang pasukin 'yon!” tugon niya.

Napangiti naman si Dingdong, at tila hindi makapaniwala nu'ng sabihin ng mga manunulat na sinabi ni Rhian na kung wala lang siyang girlfriend ay posib­le itong ma-in love sa kanya.

“Talaga? Talaga? Kailangang mag-isip siya uli, kasi tarantado ako, eh. Ha! Ha! Ha! Ha!” tila warning ni Dingdong kay Rhian, na patawa-tawa lang.

“Hindi na puwedeng linawin 'yon dahil 'yun na 'yon!” dugtong sagot ni Dingdong.

Anyway, inamin ni Dingdong na unti-unti ay na-a-appreciate na niya si Rhian. Madalas na rin daw silang mag-usap sa taping ng Stairway..., pero hindi raw personal.

“Hindi personal. Like, hindi ko siya tinatanong kung may relationship siya ngayon. Pinag-uusapan namin 'yung kung ano ang mga hilig namin.

“Pero, 'yung mga detalye ng past o pre­sent, walang ganun. Kasi, gusto ko siyang makilala kung ano siya ngayon. Kung ano 'yung nakikita ko sa kanya as is and not because kung ano ang past niya,” esplika ni Dingdong.

So, kumportable na ba sila ni Rhian sa isa't isa?

“Kapag sinabi ko namang sobrang comfortable na kami, para ko namang sinabing nagsama na kami ng 5 taon. Nagsasama pa lang kami ng isang buwan, dalawang buwan. Pero, I can say na we're getting there,” say niya.

Anu-ano ang mga na-a-appreciate niya sa pagkatao ni Rhian?

“She really likes what she's doing. She's cooperating and ini-enjoy niya talaga. 'Yun lang naman ang importante, nakikita ko na ini-enjoy niya ang ginagawa niya,” sabi na lang ni Dingdong.

Source: Abante