Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

“Kiss ni Dingdong, astig!” -- Rhian

“Kiss ni Dingdong, astig!” -- Rhian

Author: Abante

PARA kay Rhian Ramos, si Dingdong Dantes daw ang pinaka-perfect leading working relationship para sa kanya. Ni-remind tuloy siya ng ilang press na nasa taping ng Stairway to Heaven na baka dahil sa sinabi niya, may iba siyang na­ging leading men na mag-react.

“Happy ako sa kung anong relationship meron kami ngayon. Sa tingin ko kasi, if there's a question kung ano ang perfect relationship, sasabihin ko na 'yung sa amin ni Dong. Kasi sa tingin ko, ganito dapat,” katuwiran ni Rhian.

Hindi kaya mag-react ang mga past leading men niya?
“Siyempre, I have to talk something that is now. Past naman 'yun. Pero ano, sa tingin ko, meron kaming isang perfect relationship na anything na hindi work, hindi namin iniisip. Tapos, naka-focus lang talaga kami kung ano ang eksena, 'yun 'yun. Kaya siguro naabot din namin ang intensity na kinakailangan sa mga eksena.”

Ilang mahahabang kissing scenes na rin ang pinagsasaluhan ng dalawa. In fact, noong araw na mag-press visit kami sa set ay isang mahaba at intimate kissing na naman ang ginawa ng dalawa.

Pero pati sa kissing scene nila, obviously, nag-e-enjoy si Rhian.

“Astig kasi ang scene! Lalo na 'yung nag-kiss kami sa street, makikita mo talaga lahat ng tao, nag-stop. Tapos, hindi namin napansin na nandoon lang pala si Tristan (TJ Trinidad). So, for me, that's kiss. 'Yung may magic!”
Nakaranas na ba siya ng ganoong klase ng kiss?

“Hindi pa! Ha! Ha! Ha! Pero 'di ba, 'yun ang pag-ibig? 'Yun 'yung kailangan kapag lumingon ako sa paligid, lahat ng tao, naka-stop, for me, that's magic. Ha! Ha! Ha!” say na lang ni Rhian.

Source: Abante