Sep 09
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp

Kampanerang Kuba: Mirakulo

Lourdes miraculously regains the use of her legs

 

Mirakulo

Author: ABS-CBN Interactive

Summary:

Nasalubong nina Imang ang mga nanay madre niya sa may tapat ng birhen. Doon nalaman ni Imang na alam nila ang balak ni Martin sa birhen at si sister Cecilia ay may kapangyarihan pa. Si Pablo naman inabot ng tukso sa nanay niya dahil sa pagsunod-sunod kay Imang, baka raw maging manugang na niya ito. Tumanggi naman si Pablo pero halatang nagseselos pa siya kay Lorenzo.

Si Luke naman medyo nagtataka na sa kinikilos ni Veronica, mapanira kasi ito at hindi maganda ang trato kay Fatima. Galit na galit pa si Veronica sa pakikisingit ni Fatima sa mga ginagawa nila ni Luke. Naku inabot na naman ni Fatima ang lupit ng kamay ni Veronica, sinaktan siya nito sa ginawa niyang pakikisama kay Luke.

Wala namang nagawa si Lourdes nang makitang sinasaktan ng anak niya ang tagapagalaga niya. Bastos talaga si Veronica at pinagapang pa ang nanay niya para lang masave si Imang! At sa sobrang adrenaline nagamit na ni Lourdes ang mga paa niya! Nakalakad na ito at sobrang tuwa ni Imang sa nangyari!

Nang sabihin ni Veronica na magaling na ang nanay niya ay pinaalis na ni Don Francisco si Imang sa bahay niya. Napagalitan na naman si Lourdes ni Don Francisco dahil ipinambayad niya ang pera ni Lucia. Nagharap na naman si Don Francisco at Lucia at nagulat siya ng sabihin ng anak na kanya na ang bahay na ito.

At huling huli ni Lucia na sinasaktan ni Veronica ang sarili niya ina, nabuko na yata ang kabuktutan ng ugali ni Veronica. Mukhang si Lucia na ang masusunod sa pamamahay na yun at yehey nasampal niya si Veronica!

Language: Tagalog